Deadline sa pagpapakabit ng RFID stickers, hiniling na ipagpaliban hanggang March 31

By Erwin Aguilon December 07, 2020 - 06:42 PM

Hinimok ni House Speaker Lord Allan Velasco ang Department of Transportation (DOTr) na palawigin ang deadline ng pagpapakabit ng radio-frequency identification o RFID stickers sa mga sasakyan hanggang sa unang quarter ng 2021.

Ayon kay Velasco, sa kasalukuyang sistema, imposibleng makabitan lahat ng 6.1 milyong rehistradong sasakyan sa Metro Manila, Central Luzon at CALABARZON ng RFID stickers hanggang January 11, 2021.

Dapat aniyang irekonsidera ng DOTr ang COVID-19 pandmeic kaya marami sa mga may-ari ng sasakyan na lumabas ng kanilang mga bahay upang mag-apply para sa RFID stickers.

Iginiit ni Velasco na mas praktikal kung palawigin ang deadline hanggang sa March 31, 2021 para mabigyang daan ang mga motorista ng oras upang makakuha ng stickers para sa cashless payment system sa mga tollways.

Panawagan din ito ng lider ng Kamara dahil sa naranasang gridlock sa unang araw ng pagpapatupad ng cashless payment sa tollways noong  December 1.

Sang-ayon din ang House Speaker sa naging obserbasyon ng House Committee on Transportation sa kanilang motu-proprio investigation may kaugnayan sa problema sa pagpapatupad ng cashless payment scheme.

Sa pagtaya ng komite, posibleng abutin pa ng dalawang taon para makabitan lahat ng sasakyan na gumagamit ng mga expressway ng RFID stickers.

TAGS: 18th congress, cashless payment system, dotr, Inquirer News, Radyo Inquirer news, RFID stickers, Speaker Lord Allan Velasco, 18th congress, cashless payment system, dotr, Inquirer News, Radyo Inquirer news, RFID stickers, Speaker Lord Allan Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.