Pangulong Duterte, atat nang magpaturok ng COVID-19 vaccine

By Chona Yu December 07, 2020 - 06:31 PM

Atat na si Pangulong Rodrigo Duterte na magpaturok ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay kung may aaprubahan na ang Food and Drug Administration na emergency use authorization ng bakuna.

Ayon kay Roque, nais kasing ipakita ni Pangulong Duterte sa buong bayan na ligtas at epektibo ang bakuna at dumaan sa experts panel group ng pinakadalubhasang Filipino.

Tiyak din kasi aniyang dumaan ito sa highest endorsement.

Hindi na aniya makapaghintay ang Pangulo na maturukan ng bakuna at katunayan ay nag-volunteer na ang punong ehekutibo.

TAGS: covid 19 vaccine, COVID-19 response, Inquirer News, President Duterte on COVID-19 vaccine, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, covid 19 vaccine, COVID-19 response, Inquirer News, President Duterte on COVID-19 vaccine, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.