BREAKING: COVID-19 cases sa Pilipinas, umabot na sa 441,399

Mahigit 1,500 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (December 7), umabot na sa 441,399 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 24,125 o 5.5 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,574 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

84.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.4 porsyento ang asymptomatic; 0.32 porsyento ang moderate; 2.9 porsyento ang severe habang 5.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 18 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 8,572 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 80 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 408,702 o 92.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...