Grupong Hands Off Our Children patuloy na kakalampagin ang liderato ng Kamara para umaksyon sa Makabayan Bloc

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2020 - 11:11 AM

Nanawagan ang iba’t ibang anti-communist groups at civil society organizations kay House Speaker Lord Allan Velasco sa patuloy umanong kawalan nito ng aksyon sa matagal nang panawagang imbestigahan ang Makabayan Bloc sa koneksyon nito sa CPP-NPA.

Inamin ni Hands Off Our Children Founder Gemma Labsan na diskumpiyado sila kay Velasco dahil sa umpisa pa lamang ay nakikita na ang pagiging bias nito sa isyu ng Makabayan Bloc, ang kanila umanong tanong sa lider ng Kamara ay kanino ba ito naglilingkod at hindi nya magalaw man lamang ang mga progressive solons.

“Kung neutral si Velasco dapat pareho side ang pakinggan nya, ‘yun ang neutrality. Hindi natin maalis na maging diskumpiyado kasi nakikita natin sino ang mga against. Makikita natin ngayon sino mga naglilingkod sa bayan o may ibang pinaglilingkuran o para sa kanilang interes. Dapat ang pakinggan ng Kamara ay yung nakararami”giit ni Labsan.

Aniya, sa kabila ng kilos ni Velasco ay hindi pa rin sila titigil sa pagkalampag dito hanggang sa umaksyon at gampanan ang kanyang tungkulin sa bayan.

“Ipupursige namin na magkaroon ng Hearing ang House of Representatives ukol sa Makabayan Bloc, no matter what, After ng Senate, ang Kamara talaga ang syang may jurisdiction sa isyu na ito” giit ni Labsan kung saan ibat ibang pagkilos ang kanilang isasagawa kasama ang League of Parents of the Philippines (LPP), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), Hands Off Our Children (HOC) at grupong Yakap ng mga Magulang at iba pang mga Non Government Organization(NGO).

Samantala, nagpahayag naman ng kasiguruhan si Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na hindi makikinig si Velasco sa panawagang imbestigahan ang mga leftist solons, ani Gaite, malinaw na may pressure para idiin sila ngunit naniniwala silang hindi makikinig dito ang House Leadership.

“Clearly there is pressure on the House to join the communist witch hunt of the NTF-ELCAC, but we believe Speaker Velasco will remain judicious and will not allow the House to be used as venue for peddling baseless accusations against its members,” pahayag ni Gaite.

Nanindigan si Labsan na isang House Inquiry ang kailangan para tuluyan nang mailantad ang katotohanan laban sa kung ano ang ginagawa ng Makabayan Bloc sa Kongreso, ani Labsan, kung hindi aaksyon si Velasco ay hindi matitigil ang recruitment sa mga kabataan sa NPA.

Naniniwala ang grupo na hanggang nasa Kamara ang Makabayan Bloc ay magagamit nila itong platform para sa kanilang recruitment kaya malaki ang nakaatang na responsibilidad kay Velasco na wakasan ito.

Patuloy na itinatanggi ng Makabayan Bloc ang alegasyon ng military na konektado sila sa CPP-NPA subalit para kay Defense Secretary Delfin Lorenzana lalong tumibay ang ebidensya nila laban sa mga progressive solons nang mapatay sa naging engkuwetro ng military at rebelde ang bunsong anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Culliamat na si Jevilyn.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Hands Off Our Children, House of Representatives, speaker velasco, Hands Off Our Children, House of Representatives, speaker velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.