Leyte, Leyte niyanig ng lindol; Intensities, naitala sa mga karatig-bayan

Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang Leyte, Lunes ng tanghali.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang episentro ng lindol sa layong 6 kilometers Northwest ng bayan ng Leyte dakong 12:16 ng tanghali.

7 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 3 – Calubian, & Leyte, Leyte; Biliran, Biliran
Intensity 2 – Naval, Biliran; Capoocan, Leyte

Instrumental Intensity naman ang naramdaman sa:
Intensity 2 – Naval, Biliran

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...