Inaprubahang 2021 budget, ipinagtanggol ng dalawang lider ng Kamara
Dumipensa ang dalawang lider ng Kamara kaugnay sa legalidad ng 2021 General Appropriations Bill na inaprubahan ng Kamara.
Ayon kay House Deputy Speaker Lito Atienza, legal at dumaan sa tamang proseso ang pagtalakay at pag-apruba ng P4.5-trillion 2021 national budget sa Kamara.
Bahagi lamang din aniya ng trabaho ng Senado na magsabi ng kanilang nais na baguhin sa panukalang pondo kasunod ng pagsilip dito.
Iginiit nito na anuman ang nilalaman ng 2021GAB ay nabuo sa ilalim ng pamumuno ni dating Speaker Alan Peter Cayetano.
Sinabi naman ni House Committee on Ways and Means chairman Joey Salceda na ang mga nakalatag sa 2021 GAB ay makakatulong sa recovery ng bansa mula sa epekto ng umiiral pa rin na COVID-19 pandemic.
Naniniwala sina Atienza at Salceda na sa pamamagitan ng bicameral conference committee ay maayos ang pagkakaiba ng Senado at Kamara sa panukalang pondo para sa susunod na taon.
Umaasa rin si Atienza na lahat ng issues na bumabalot sa 2021 proposed budget ay maayos sa bicam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.