FDA inatasan ni Pangulong Duterte na bumuo ng panel of experts na mag-aaral kung ligtas ang bibilhing COVID-19 vaccine

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Food and Drug Administration (FDA) na bumuo ng panel of experts na magsasagawa ng pag-aaral kung epektibo ang bibilhing bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential spokkesman Harry Roque, ginawa ng pangulo ang utos sa gitna ng pag-iisyu ng emergency use of authorization sa COVID-19 vaccine.

Ayon kay Roque ang nasabing mga eksperto ang magsasagawa ng pagre-repaso ng mga datos kung ligtas o epektibo ang COVID-19 vaccine.

Sa ngayon nakakuha na ng EUA ang Pfizer, Sinovac at Sinopharm.

Sa unang quarter ng taong 2021 inaasahang darating sa bansa ang mga bibilhing bakuna galing China.

60 milyong Filipino ang target na bakunahan ng pamahalaan.

Una ang mga mahihirap, frontliners, sundalo at mga pulis.

 

 

Read more...