Ilang bahagi ng Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2020 - 11:37 AM

Makararanas pa din ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ngayong Lunes, December 7, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija, Bataan at Zambales sa susunod na mga oras.

Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan na sa sumusunod na mga lugar:

METRO MANILA:
– Marikina
– Quezon City
– Caloocan
– Valenzuela
– Malabon
– Navotas

LAGUNA:
– Cavinti
– Lumban
– Kalayaan
– Paete
– Pakil
– Pangil
– Siniloan
– Famy
– Mabitac
– Santa Maria

QUEZON:
– General Nakar
– Infanta
– Real
– Polilio
– Burdeos
– Panulukan
– Patnanugan
– Jomalig
– Mauban

Gayundin sa buong lalawigan ng Pampanga, Bulacan at Rizal.

Ayon sa PAGASA ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng easterlies.

Pinapayuhan ang publiko at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices sa mga apektdong lugar na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, easterlies, Inquirer News, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Breaking News in the Philippines, easterlies, Inquirer News, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.