Globe binigyan ng mataas na grado ng kanilang customers kaugnay sa network improvements

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2020 - 11:10 AM

Binigyan ng mataas na grado ng kanilang customers ang kumpanyang Globe kaugnay sa network improvements nito.

Batay ito sa latest ng independent survey na ginawa noong November 2020 kung saan aabot sa 1,200 na respondents ang nakilahok.

Mayorya ng Globe subscribers ang nagbigay ng positibong tugon sa survey tungkol sa kanilang network experience gamit ang mobile at broadband services ng Globe.

Ang survey ay ginawa ng Kantar, kung saan tinanong ang mga edad 13 hanggang 65 na subscribers sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa Visayas, nakakuha ang Globe ng 94% na score.

Sa kabuuan, 92% ang nakuhang score ng Globe para sa limang lugar na isinailalim sa survey.

Lumitaw sa survey na siyam sa bawat 10 respondents ang nagsabing sila ay extremely satisfied sa serbisyo ng Globe.

Walo sa bawat sampung respondents naman ang nagsabing sila ay “satisfied”.

Partikular na binaggit ng mga subscribers na sila ay nasisiyahan sa mobile signal reliability ng globe, general social media browsing usage, online calls at chat.

Tiniyak naman ni Ernest Cu, Globe President and CEO na magpapatuloy ang improvement efforts ng kumpanya para sa mas maayos na connectivity ng mga customer.

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, BUsiness, Globe, globe telecom, Inquirer News, network, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, BUsiness, Globe, globe telecom, Inquirer News, network, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.