Floyd Mayweather sasabak muli sa boxing ring para sa exhibition bout kay Logan Paul

Babalik sa boxing ring si Floyd Mayweather sa buwan ng Pebrero para sa isang exhibition bout laban sa YouTube personality na si Logan Paul.

Inanunsyo ito ng 43 anyos na si Mayweather sa kaniyang Instagram account.

Huling lumaban si Mayweather noong August 2017 kay Conor McGregor kung saan napanatili niya ang 50-0 na rekord.

Sinabi ni Mayweather na sa February 20 magaganap ang laban sa hindi pa tinukoy na venue.

 

 

Read more...