Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng 32,000 sa magdamag
By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2020 - 10:21 AM
Umabot na sa mahigit 9.6 million ang kaso ng COVID-19 sa India.
Sa magdamag ay nadagdagan pa ng 32,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.
Dahil dito, umabot na sa 9,676,801 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mahigit 9.1 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 398,000 pang active cases.
Samantala, mayroong naitalang dagdag na halos 400 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 140,590 na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.