Mga lalawigan na kalapit ng Metro Manila patuloy na uulanin

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2020 - 09:22 AM

Makararanas pa rin ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang mga lalawigan na kalapit ng Metro Manila.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Lunes, December 7, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Laguna at Rizal.

Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa mga bayan ng General Nakar, Infanta, Real, Panulukan, Burdeos, Polilio, Patnanugan, Jomalig, Perez, Alabat, Calauag, Lopez, Gumaca, Plaride;, Mauban, Atimonan, at Sampaloc sa lalawigan ng Quezon.

Ayon sa PAGASA ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng easterlies.
Pinapayuhan ang publiko at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices sa mga apektdong lugar na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, easterlies, Inquirer News, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Breaking News in the Philippines, easterlies, Inquirer News, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.