Abogado ni Trump na si Rudy Giuliani nagpositibo sa COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2020 - 09:10 AM
Nagpositibo sa COVID-19 ang abogado ni US President Donald Trump na si Rudy Giuliani.
Ang 76 anyos na si Giuliani ang panibagong malapit na opisyal ni Trump na nagpositibo sa sakit.
Si Trump mismo ang nagkumpirma na positibo sa sakit ang abogado batay sa kaniyang tweet.
Wala pa namang inilalabas na komento hinggil dito ang kampo ni Giuliani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.