Korte sa San Fernando, Pampanga sasailalim sa 12-oras na lockdown

Isinailalim sa isang linggong lockdown ang tanggapan ng Clerk of Court sa San Fernando, Pampanga Regional Trial Court.

Ito ay makaraang isang empleyado nito ang magpositibo sa COVID-19.

Sa memorandum ni Executive Judge Esperanza Paglinawan-Rozario, ang lockdown ay simula ngayong araw December 7 at tatagal hanggang December 14.

Lahat ng staff ay pinapayuhang sumailalim sa home quarantine habang inaantay ang resulta ng kanilang swab test.

Samantala, 12 araw naman ang pagsasara ng San Fernando Pampanga RTC Branch 44.

Isang staff din kasi ng naturang branch of court ang nagpositio sa COVID-19.

Habang nakasailalim sa physical closure, maaring magpadala ng mensahe sa email address ng korte na rtc1sfp044@judiciary.gov.ph

 

 

 

Read more...