Korte sa San Fernando, Pampanga sasailalim sa 12-oras na lockdown
Isinailalim sa isang linggong lockdown ang tanggapan ng Clerk of Court sa San Fernando, Pampanga Regional Trial Court.
Ito ay makaraang isang empleyado nito ang magpositibo sa COVID-19.
Sa memorandum ni Executive Judge Esperanza Paglinawan-Rozario, ang lockdown ay simula ngayong araw December 7 at tatagal hanggang December 14.
Lahat ng staff ay pinapayuhang sumailalim sa home quarantine habang inaantay ang resulta ng kanilang swab test.
Samantala, 12 araw naman ang pagsasara ng San Fernando Pampanga RTC Branch 44.
Isang staff din kasi ng naturang branch of court ang nagpositio sa COVID-19.
Habang nakasailalim sa physical closure, maaring magpadala ng mensahe sa email address ng korte na [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.