Mga bagong point machine, naikabit na sa North Avenue station ng MRT-3

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2020 - 08:45 AM

Nakapag-install na ang pamunuan ng MRT-3 ng dalawang bagong point machine sa North Avenue station.

Ginagamit ang point machine upang mai-operate ang mga railway turnouts nang malayuan o mula sa control center room.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, mahalagang parte ng isang railway track ang point machine upang maging maaayos ang railway signalling at pagpapatakbo ng mga tren.

Matatandaang nakapaglagay na rin ng mga bagong signal lights, platform monitors, at CCTV cameras ang MRT-3 sa mga istasyon nito, at nakapag-upgrade na rin ng mga equipment at facilities sa depot.

Ang pagpapalit ng mga lumang point machine at iba pang kagamitan ng MRT-3 ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon na isinasagawa sa buong linya.

 

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, dotr, Inquirer News, MRT 3, Philippine News, point machine, Radyo Inquirer, railways ph, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, dotr, Inquirer News, MRT 3, Philippine News, point machine, Radyo Inquirer, railways ph, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.