Pamunuan ng Metro Pacific Tollways Corp. may apela sa Valenzuela City
Umapela sa Valenzuela City Government ang pamunuan ng Metro Pacific Tollways Corp. matapos magbanta si Mayor Rex Gatchalian na sususpindihin ang business permit ng korporasyon dahil sa hindi masolusyunang problema sa RFID system.
Magugunitang binigyan lang ni Gatchalian ng 72 oras ang pamunuan ng NLEX Corp. para magpaliwanag kung bakit hindi dapat masuspinde ang kanilang business permit.
Pero ang NLEX Corp. humingi ng hanggang 15 araw sa Valenzuela LGU para magsumite ng kanilang action plan.
Ayon ay MPTC chief communication officer Junji Quimbo umaasa silang hindi mauuwi sa pagbawi ng permit ang sitwasyon.
Pinag-aaralan na aniya ngayon ng MPTC ang mga hakbang upang agad makatugon sa utos ng alkalde.
Humingi rin ng pang-unawa si Quimbo sa mga residente ng Valenzuela na apektado ng traffic kasabay ng pag-amin na sa ilang lugar ay nagkakaroon ng problema sa pagpapatupad ng cashless transaction.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.