Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales December 07, 2020 - 06:55 AM

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 211.81 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (December 7) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 212.20 meters.

Nanatili naman ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 99.82 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan na nasa 79.39 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.36 meters.

Ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams ay nadagdagan habang ang Ambuklao, at Binga dams naman ay nabawasan.

Patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Ambuklao at Binga dams.

TAGS: ambuklao, Binga, Caliraya., dam status, Luzon Dams, Magat, pantabangan, San Roque, ambuklao, Binga, Caliraya., dam status, Luzon Dams, Magat, pantabangan, San Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.