59 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Baguio City

Umabot sa 59 na residente pa sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Linggo ng gabi (December 6), umabot na sa 3,220 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 292 ang aktibo pang kaso.

22 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 2,883 na ang total recoveries sa Baguio City habang 45 na ang nasawi.

Nadagdag sa bilang ng nasawi ang isang 85 anyos na lolo na mayroong COPD at chronic renal disease at sumasailalim sa dialysis.

December 2 nang una siyang isailalim sa RT PCR test kung saan negatibo ang resulta.

Subalit lumala ang kaniyang kondisyon kaya muling isinailalim sa swab test at lumabas na positibo ito sa COVID-19.

 

 

 

Read more...