Chile niyanig ng magnitude 6.1 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2020 - 06:20 AM
Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang bansang Chile.
Ayon sa US Geological Survey, ang pagyanig ay naitala 12:47 ng madaling araw ng Lunes (Dec. 7) oras sa Pilipinas alas 4:47 ng hapon naman araw ng Linggo (Dec. 6) oras sa Chile.
Ang epicenter ng lindol ay sa layong 74 kilometers ng Pozo Almonte.
Wala pa namang napaulat na pinsala bunsod ng naturang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.