EastWest Bank, dumistansya sa isyu ng RCBC

By Kathleen Betina Aenlle March 22, 2016 - 04:46 AM

Antonio-C.-Moncupa-Jr.1Pumalag ang EastWest Bank (EWB) sa pagkakadawit nila sa kaso ng $81 million money laundering na kinasangkutan ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC).

Nanindigan si EastWest president Antonio Moncupa Jr. na ang kaniyang bangko ay walang anumang naging transaksyon na lumabag sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) na may kaugnayan sa kasong iniimbestigahan ngayong ng Senate blue ribbon committee.

Sa kaniyang tweet, sinabi pa ni Moncupa na hayaang lumabas ang katotohanan at mabigyang hustisya ang isyu ng money laundering na kinasasangkutan ng RCBC.

“Let the truth be out and justice be served in this money laundering issue re: (regarding) RCBC,” ani Moncupa.

Ni hindi matiyak ni Moncupa kung bakit idinadawit pa ang pangalan ng kanilang bangko sa tuwing binabanggit ang mga empleyado ng RCBC na nanggaling sa kanila, at hinihinalang may kinalaman sa isyu.

Tulad na lamang ng pangunahing nasasangkot na si RCBC branch manager Maia Deguito na dating empleyado ng EWB, at kaibigan store manager ng EWB sa isang branch sa BGC na si Allan Peñalosa.

Si Peñalosa ang hinihinalang nag-ayos ng pagkikita nina Deguito at ng negosyanteng si William Go, na inalok pa umano siya ng P200 million na halaga ng kasunduan kasama si Deguito.

Ani Moncupa, mahalaga para sa kanila na mailagay ito sa tamang konteksto nang sa gayon ay mas maintindihan ng publiko.

Nilinaw pa ni Moncupa na ang dalawang empleyado ng RCBC na nadadawit, at dating nagtrabaho sa EWB, ay hindi naman nakasama ni Deguito sa branch na hawak niya noong siya pa ay empleyado ng EastWest.

Ang mga naturang empleyado rin aniya ay di hamak na mas matagal nanilbihan sa RCBC kaysa sa kanilang bangko.

Bagaman naniniwala siya na hindi ito isang uri ng paninira sa kanilang bangko, nais lang sana niya na mailagay ito sa tamang konteksto, upang malinaw rin na hindi sila ang nasasangkot sa isyu kundi ang RCBC.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.