Southern Luzon at Visayas apaktado ng easterlies; Northern Luzon apektado naman ng amihan

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2020 - 05:36 AM

Dalawang weather system ang nakaaapekto ngayong araw sa bansa.

Ayon sa PAGASA easterlies ang umiiral sa Southern Luzon at sa buong Visayas.

Appektado naman ng northeast monsoon o amihan ang Northern Luzon.

Ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA na nasa labas ng bansa at nasa bahagi ng northeastern part ng bansa ay numinipis na ang kaulapaan at malapit nang malusaw.

Sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, sa buong Visayas, Bicol Region, CALABARZON, MIMAROPA, at sa lalawigan ng Aurora, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa easterlies.

Maulap na papawirin din na may pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region dahil naman sa Amihan.

Habang bahagyang maulap na papawirin na mayroong isolated na mahihinang pag-ulan ang iiral sa Ilocos Region.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay localized thunderstorms lamang ang iiral.4

Nakataas naman ang gale warning sa mga baybaying dagat ng Batanes, Cagayan, Babuyan, Ilocos Sur
La Union, Pangasinan, Zambales at Bataan.

 

 

 

 

 

 

TAGS: amihan, easterlies, LPA, Mindanao, northern luzon, pagasa, Visayas, weather, amihan, easterlies, LPA, Mindanao, northern luzon, pagasa, Visayas, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.