Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Linggo, December 6, 3:10 PM), 91 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan nakapagtala ng 4 bagong kaso.
Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay 5,355 kung saan 13 ang bagong naitala.
Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 165.
Umabot naman na sa 5,611 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Ang bilang ng suspected cases ay 237.
Ayon sa Mandaluyong City Health Department ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng tinamaan ng virus at suspected cases ay resulta ng mas pinaigting na mass testing at contact tracing sa lungsod. Ang hakbang ay ginawa upang matukoy at agarang mabigyan ng karampatang lunas ang mga nagpositibo.