Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (December 6, 3:00 PM) nakapagtala ng 145 na bagong kaso kaya pumalo na sa 63,788 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,128
Laguna – 17,138
Batangas – 10,857
Rizal – 13,180
Quezon – 5,485
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 5,751.
Nasa 56,281 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 56 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 14,896
Laguna – 15,516
Batangas – 10,045
Rizal – 11,640
Quezon – 4,184
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 2 kaya umabot na sa 1,756 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 465
Laguna – 385
Batangas – 315
Rizal – 429
Quezon – 162
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.