Pagtuloy ng licensure exams, inihirit sa PRC

Humihirit si Iligan City Congressman Frederick Siao sa Professional Regulation Commission (PRC) na ituloy na ang pagsasagawa ng licensure examinations.

Itinigil ng PRC ang licensure examinations dahil sa pandemya sa COVID-19.

Nangangamba si Siao na kapusin sa manpower ang bansa kung patuloy na ititigil ang licensure examinations.

Tiyak aniya na lalagapak ang ekonomiya ng bansa kung walang licensure examinations sa loob ng dalawang taon.

Maaari naman aniyang ituloy ang mga pagsusulit sa mga lugar na nasa modified general community quarantine bastat siguraduhin lamang na masusunod ang mga health protocols na inilatag ng pamahalaan kontra sa COVID-19.

Read more...