BREAKING: Mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa higit 408,000; Higit 9,000 ang nadagdag

Mahigit 1,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (December 6), umabot na sa 439,834 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 22,646 o 5.1 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,768 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

84.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.2 porsyento ang asymptomatic; 0.34 porsyento ang moderate; 3.1 porsyento ang severe habang 6.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 29 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 8,554 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 9,062 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 408,634 o 92.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...