Ito’y sa kabila pa ng pagkakadiskubre ng Commission on Audit (COA) na sumobra ng halos P7 bilyon ang naging singil ng Meralco sa mga customer nito noong 2004 at 2007.
Ibinasura ni Associate Justice Victoria Isabel Paredes ng 7th division ang petisyon ng National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. (NASECORE) na ipa-walang bisa ang utos ng ERC noong June 21, 2011.
Ayon sa 16-pahinang desisyon na inilabas ng CA, bagaman hindi nagdesisyon ang ERC alinsunod sa findings ng COA, sinunod pa rin nito ang utos ng Supreme Court.
Hindi rin binigyang merito ng korte ang sinasabi ng NASECORE na higit sa aprubadong halaga ng ERC ang distribution revenues ng Meralco kaya dapat itong i-refund sa customers.
Karapat-dapat rin lang naman ayon sa desisyon ang pagtaas ng singil ng Meralco na para sustentuhan ang lumalawak nitong operasyon at para mabayaran ang mga inuupahang lugar at pagpapatayo ng mga planta.