Pagbabalik ng ABS-CBN tiyak na sa 2021 sa ilalim ng liderato ni Velasco ayon kay Rep. Atienza

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2020 - 10:40 PM

Kinumpirma mismo ni Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na magbubukas muli sa 2021 ang operasyon ng TV giant ABS-CBN bilang resulta ng pagpapalit ng liderato sa House of Representatives.

Ayon kay Atienza sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco ay maibabalik muli sa floor ang diskusyon sa pagpapalawig sa prangkisa ng ABS-CBN.

“I am really confident, justice will prevail by next year. They (ABS-CBN) were maltreated, they were maltreated, they were eventually assassinated, so they should be given justice. Ako, I am just giving the new Spea¬ker time to settle. Hindi naman natin puwedeng biglain, major battle, kauupo lamang niya. But I am not shying away from the responsibility and for the opportunity to come – that I’m working on – para maibalik natin ‘yung floor discussion. Hindi ‘yung special firing squad ang pumatay sa ABS-CBN, firing squad eh”paliwanag ni Atienza kung saan ang firing squad ay ang patukoy sa ginawang pagbasura agad sa komite level ng franchise renewal application ng giant network at hindi na ito naisalang sa House Plenary.

Sa botong 70 pabor,11 na pagtutol at 1 abstain ay matatandaang binasura ng House Committee on Legislative Franchises ang aplikasyon para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sinabi naman ni House Minority leader at Abang-Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano na pagpasok ng 2021 ay maaari nang maghain ng franchise renewal application ang ABS-CBN alinsunud na rin sa rules ng Kamara.

Sa ngayon ay wala pang pro-ABS-CBN congressman ang naghahayag ng kanilang intensyon na maghain ng panukala para irenew ang prangkisa ng ABS-CBN subalit kung pagbabayaan ang House rules ay maaaring hindi na maghain ng bagong aplikasyon dahil maaari namang gamitin ang dati nang panukala dahil walang pagbabawal sa filing o refiling ng mga bills na hindi naaktuhan ng komite.

Nang tanungin si Atienza kung isa sya sa maghahain ng panukala para sa franchise renewal ng ABS-CBN, positibo ang kanyang naging sagot at sinabing gagawin nya ito pagdating ng panahon.

Matatandaan na nasa 16 mambabatas sa Kamara ang sponsor ng ibat ibang resolusyon at panukala para sa franchise renewal noon ng ABS-CBN kabilang dito sina Reps Sarah Elago, Reps. Sol Aragones, Arlene Brosas, Eufemia Cullamat, Lawrence Fortun, Mark Go, Rufus Rodriguez, Josephine Sato, Micaela Violago, Rosemarie Arenas, France Castro, Ferdinand Gaite, Loren Legarda, Vilma Santos-Recto, Joy Tambunting at Carlos Zarate, ang dalawang sponsor na sina Paduano at Kabayan Partylist Rep Ron Salo ay nagwithdraw ng kanilang support kalaunan.

Tiwala ang mga mambabatas na sa pagbabago ng liderato sa Kamara ay magkakaroon ng pag asa na mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Ilang insider sa Kamara ang suportado din ang naging pahayag ni Atienza, anila, inaasahan nilang uusad na ngayon sa liderato ni Speaker Velasco ang ABS-CBN franchise lalo at dalawa na sa mga supporters ng ABS-CBN sa Kamara ang naipwesto bilang Deputy Speaker, maliban kay Atienza ay Deputy Speaker na din si Cagayan Rep. Rufus Rodriguez.

 

 

 

 

TAGS: ABS-CBN, Rep. Lito Atienza, ABS-CBN, Rep. Lito Atienza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.