3 narcotics indentification devices mula Amerika, natanggap ng BOC

Natanggap na ng Bureau of Customs ang tatlong handheld narcotics indentification devices na ibinigay ng US Drug Enforcement Agency at Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs.

Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, malaking tulong ito para sa kampanya kontra sa ilegal na droga.

Mapaiigting na rin aniya ng BOC ang border security at protection laban sa illegal narcotics.

Nagpapasalamat si Guerrero sa pamahalaan ng Amerika dahil sa suporta sa kampanya kontra sa ilegal na droga.

Present sa handover ceremony sina Guerrero, US Drug Enforcement Agency Attache, Mr. Christopher Adduci, Philippine Director for Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs, Ms. Kelia Cummins at iba pang US DEA officials.

Read more...