Los Baños Mayor Perez nakaburol na sa kanilang ancestral house

By Erwin Aguilon December 04, 2020 - 05:05 PM

Nakaburol na sa kanilang ancestral house sa Barangay Batong Malaki, Los Baños, Laguna ang mga labi ng pinaslang na si Mayor Ceasar Perez.

Tumannggi namang magsalita ang mga kaanak ni Mayor Perez kaugnay sa insidente.

Gayunman, hinihintay pa ang anak ng alkalde na nada abroad para sa detalye ng burol at libing nito.

Hindi pa rin matiyak kung kailan dadalhin ang labi ng alkalde para sa pagbibigay ng parangal dito at upang mas marami ang makapagbigay ng huling pagrespeto rito.

Naulila ang alkalde ang kanyang asawa at tatlong anak.

TAGS: Barangay Batong Malaki, laguna, Los Banos, Mayor Ceasar Perez, Barangay Batong Malaki, laguna, Los Banos, Mayor Ceasar Perez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.