December 4 hanggang 12 idineklarang state of mourning sa Los Baños, Laguna

By Erwin Aguilon December 04, 2020 - 04:12 PM

Nagpahayag ng mahigpit na pagkundena ang pamahalaang bayan ng Los Baños, Laguna sa pamamaslang kay Mayor Ceasar Perez.

Ginawa ito ng Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng ipinasang resolusyon sa isang special session.

Nakasaad din sa resolusyon ang panghihikayat sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na gamitin ang buong puwersa ng gobyerno para mapanagot ang responsable sa krimen.

Idineklara rin ang December 4 hanggang 12 bilang state of mourning sa bayan ng Los Baños.

Hinihikayat din dito ang lahat ng mga opisyal at empleyado ng bayan na magsuot ng itim na armband.

Ang mga watawat ng Pilipinas naman sa mga tanggapan ng gobyerno at mga eskwelahan ay ipinalalagay sa half-mast.

Pansamantala ring sinuspinde ang ordinansa ng bayan para sa lamay ni Mayor Perez na nagtatakda na 48 oras lamang maaring maiburol ang isang nasawi.

 

 

TAGS: ambush, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Los Banos Laguna, Mayor Caesar Perez, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Los Banos Laguna, Mayor Caesar Perez, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.