Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 25,602 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Biyernes (Dec. 4).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QC-ESU at district health offices.
Samantala, nasa 794 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit.
24,078 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 730 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 19,058 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
READ NEXT
Bersyon ni Marcelito Pomoy ng “The Prayer” itinanghal na Top Trending YouTube Video of the Year sa Pilipinas
MOST READ
LATEST STORIES