LOOK: Tulong ng Qatar sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses
Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplano ng Qatar Emiri Air Force dala ang mga tulong ng Qatar Government sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses sa Pilipinas.
Batay ito sa direktiba ni Amir of State ng Qatar na si Sheikh Tamim bin Hamad Al Than.
Dala ng aircraft ang mga relief goods nang lumapag ito sa NAIA Biyernes, Dec. 4 ng umaga.
Kabilang sa mga tulong ang 40 tonelada ng food at non-food products.
Mayroon ding camping equipment gaya ng tents, tubig, sanitation, electricity generators, at rescue boats.
Ang Qatar Red Crescent sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Red Cross ang mamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.