Mahigit 1,400 biktima ng Typhoon Ulysses sa Bulacan tumanggap ng tulong mula kay Senator Bong Go

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2020 - 01:37 PM

Personal na binisita ni Senator Bong Go ang mga pamilyang nabiktima ng pagbaha sa lalawigan ng Bulacan matapos ang pananalasa ng Typhoon Ulysses.

Nagtungo ang senador sa mga bayan ng Pandi at Norzagaray at namahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan.

“Tandaan niyo: mahalin niyo ang kapwa niyo Pilipino. Kami ni Pangulong [Rodrigo] Duterte, wala na kaming hihilingin pa sa Panginoon, binigay na niya lahat. Kaya ibabalik namin sa inyo ‘yung serbiyo na para sa inyo. Hindi kami mangangako basta gagawin lang namin ang lahat para sa mga Pilipino. Sa abot ng aming makakaya, magtatrabaho kami para sa inyong lahat,” ayon kay Go.

Kabilang sa ipinamigay sa mga pamilya ay mga pagkain, bitamina, face masks, face shields kung saan tinatayang aabot sa 1,421 na typhoon victims ang napagkalooban ng tulong.

Ginawa ang aktibidad sa Pandi Residences 3 sa Camp Praise Valley sa Pandi at Norzagaray, Bulacan.

Ilang benepisyaryo din ang tumanggap ng bisikleta mula sa senador para magamit nila sa pagbiyahe.

Habang ilan din ang tumanggap ng tablets para magamit sap ag-aaral ng mga estudyante.

Namahagi din ng tulong ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka at mangingisda, Department of Trade at Industry and National Housing Authority para naman sa livelihood at housing needs ng mga residente.

“Huwag sana kayong mawalan ng pag-asa dahil nandirito ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para tulungan ang bawat munisipyo na makabangon muli. Ngayon, kung may iba pa akong maitutulong…lapitan lang ninyo ako. ‘Wag niyo akong ituring na Senador dahil parehas lang tayong ordinaryong Pilipino,” dagdag pa ni Go.

 

 

 

TAGS: bong go, Bulacan, typhoon victims, bong go, Bulacan, typhoon victims

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.