Sen. De Lima kaniyang abogado, hiniling na mapatawan ng indirect contempt

Kinastigo ng korte si Senador Leila de Lima at ang abugado nito kaugnay sa mga impormasyon na inilahad sa media hinggil sa umano’y pag absuwelto na ng PDEA at AMLC kay de lima kaugnay sa kinakaharap na illegal drug case.

Pinagsabihan ng Muntinlupa Regional Trial Coirt si Atty. Boni Tacardon, legal counsel ni De Lima na huwag bali-baligtarin ang mga impormasyon at huwag magbigay ng maling detalye sa media hinggil sa kaso.

Kaugnay ito sa ‘di umano’y testimonya ng Anti-Money Laundering Council at Philippine Drug Enforcement Agency sa korte na wala silang nakitang kaduda-dudang transaksyon sa pagitan ni De Lima at ng mga drug convicts sa NBP.

Naghain na ng petisyon si Chief Prosecutor Sonny Ocampo para patawan ng indirect contempt sina Tacardon at de Lima.

Ayon sa DOJ malinaw na nilabag nila ang sub judice rule ng samantalahin ang pagkakataon na magpahayag sa media para magkalat ng misinformation sa publiko.

Malinaw umano itong pagtatangka na ikondisyon ang isip ng publiko at maapektuhan ang magiging desisyon mg korte.

 

Read more...