Pagtatabon sa creek sa Pangarap Village sa Caloocan pinahaharang sa korte
Pinahaharang ng pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang pagtatambak ng lupa sa isang creek sa Pangarap Village sa lungsod na nagiging dahilan ng pagbaha.
Hiniling ng lokal na pamahalaan sa Caloocan City Regional Trial Court na magpalabas ng temporary restraining order at preliminary/mandatory injunction laban sa aktibidad ng Araneta-owned firm Carmel Development Inc. (CDI) sa Pangarap Village.
Tumayong petitioners sina Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, City Environmental Management Department (CEMD) head Engr. Jay Bernardo, Barangay 181 chair Bernardo Quiboy at Barangay 182 chair Rowel Brin.
Iginiit sa petisyon na ang iligal na aktibidad ng kumpanya na humaharang sa daloy ng tubig sa creek ay nagdulot ng pagbaha at nakaapekto sa residential community.
Idinagdag pa ng mga petitioner na inilagay nito sa panganib ang buhay ng may 34,000 na residente sa lugar.
Ilang dekada nang may land dispute sa pagitan ng mga residente ng Pangarap Village at CDI sa 156-hectare Pangarap Village na naging resettlement area sa pamamagitan ng presidential decree ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Iniulat din ng mga residente ng Barangays 181 at 182 noong September 29 na nagkaroon ng panibagong harassment laban sa kanila ang kumpanya.
Bukod sa tinanggalan ng suplay ng tubig at kuryente ang mga residente, ilang tauhan ng CDI ang nakitang nagtatambak ng lupa sa creek gamit ang mga heavy machines upang mahadlangan ang daloy ng tubig.
Noong October 16, nagpadala na ang city government sa CDI ng sulat upang ipatigil ang illegal activities sa creek subalit hindi tumalima ang kumpanya.
“The creek is of the public dominion and may not be occupied, appropriated, obstructed, or abused by respondent CDI,” giit sa petisyon.
“CDI cannot occupy, obstruct or dump on the legal easment of three meters from both sides of the creek running along its length,” dagdaga pa ng lokal na pamaahalaan na tinutukoy ang Article 151 ng Presidential Decree 1067 na nagsasaad na itinuturing na for public use ang tatlong metrong easment sa mga stream o creek.
“The proper way to solve any property dispute is for CDI to file the appropriate actions before courts, ans not resort to extra-judicially measures like flooding the residential areas or deprivind residents of basic necessities like shelter, water and electricity,” giit pa sa petition.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.