NDRRMC nagbabala sa mas mainit na panahon ngayong Semana Santa

By Ruel Perez March 21, 2016 - 08:14 PM

A Filipino boy sits inside a plastic container as he takes a bath to cool off himself at a Manila suburb, Philippines on Sunday, April 7, 2013. (AP Photo/Aaron Favila)
Inquirer file photo

Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa publiko na magiging mainit ang buong linggo habang ginugunita ang Semana Santa.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Usec. Alexander Pama, may ginagawa na silang kahandaan ukol dito sa pakikipagtulungan ng Department of Health.

Sinabi ni Pama na dahil sa tindi ng init na mararanasan ay malaking tiyansa na pwede ito maging sanhi ng heat stroke.

Paalala ng NDRRMC na maging maingat ang publiko at huwag magbabad sa init lalo at batay sa ulat ng Pagasa wala silang namomonitor na anumang pag ulan o sama ng panahon.

Sa kabila nito, hinikayat naman ng ahensiya ang publiko lalo na ang mga debotong Katoliko na ituloy lamang ang kanilang usual activities ngayong Semana Santa subalit maging maingat para maiwasan ang  heat stroke.

Kanina ay naitala ng Pagasa ang actual heat index dito sa Metro Manila sa 39 degrees celcius.

TAGS: Holy Week, ndrrmc, Pama, Summer, Holy Week, ndrrmc, Pama, Summer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.