IS-linked na BIFF inako ang pag-atake sa Datu Piang, Maguindanao
Inako ng IS-linked na Bangsamoro Freedom Fighters (BIFF) ang pag-atake sa Datu Piang, Maguindanao na naganap Huwebes (Dec. 3) ng gabi.
Sinunog ng mga rebelde ang isang police patrol car na nakaparada sa military detachment.
Ayon kay Abu Jihad, tagapagsalita ng BIFF, napwersa ang kanilang grupo na gawin ang pag-atake dahil sa ilegal na aktibidad sa bauan ng Datu Piang at paglaganap ng ilegal na droga at nakalalasing na inumin.
Sinabi pa ng BIFF na hangga’t may mga ilegal na aktibidad sa naturang bayan ay magpapatuloy ang kanilang pagkilos.
Ayon kay Lt. Col. Anhouvic Atilano, tagapagsalita ng 6th Division ng Philippine Army, hindi nadamay sa insidente ang eskwelahan at simbahan na malapit sa detachment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.