Malalimang imbestigasyon ipinag-utos ni Laguna Governor Hernandez kaugnay sa pagpatay kay Los Baños Mayor Perez

By Erwin Aguilon December 04, 2020 - 11:47 AM

Nagpahayag ng mariing pagkundena si Laguna Governor Ramil Hernandez sa pamamaslang kay Los Baños, Laguna Mayor Ceasar Perez kagabi.

Sa statement ni Hernandez, ipinaabot din nito ang pakikiramay sa naiwang pamilya ng alkalde gayundin sa mga kakabayan nito sa bayan ng Los Baños.

Kasabay nito, ipinag-utos ng gobernador ang masusing imbestigasyon sa kaso upang makamit ng alkalde ang hustisya.

Base sa ulat, dakong 8:45 kagabi matapos magpamasahe sa municipal spa at naglalakad sa loob ng munisipyo patungo sa receiving area nang barilin sa likuran ng dalawang ulit ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Kaagad isinugod sa Health Serv Medical Hospital si perez subalit makalipas ang tatlumpung minuto ay binawian din ito ng buhay.

Dati ng alkalde ng Los Baños si Perez bago ito nagsilbing vice governoor mula taong 2010 hanggang 2013 at nasa unang termino muli bilang punongbayan.

 

 

TAGS: ambush, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Los Banos Laguna, Mayor Caesar Perez, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Los Banos Laguna, Mayor Caesar Perez, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.