Apayao, Cagayan at Ilocos Norte inuulan pa rin dahil sa Amihan – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2020 - 11:29 AM

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa northern Luzon dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA, alas 11:00 ng umaga ngayong Biyernes, December 4, yellow warning na ang umiiral sa sumusunod na mga lugar:

APAYAO
– Flora
– Luna
– Pudtol
– Calanasan

CAGAYAN
– Claveria
– Pamplona
– Sta. Praxedes
– Sanchez Mira

ILOCOS NORTE
– Pagudpud

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Northeast Monsoon.

Samantala, nakararanas din ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan sa mga bayan ng Allacapan, Santa Ana at Sto. Nino sa Cagayan.

Pinayuhan ang publiko at local disaster risk reduction and management offices na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

TAGS: amihan, Apayao, Breaking News in the Philippines, Cagayan, ilocos norte, Inquirer News, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, yellow warning, amihan, Apayao, Breaking News in the Philippines, Cagayan, ilocos norte, Inquirer News, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.