Datos na nakakalap sa QR code hindi pwedeng gamitin sa ibang layunin

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2020 - 10:59 AM

Hindi pwedeng gamitin sa ibang layunin ang datos na nakakalap sa QR code sa mga establisyimento.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni National Privacy Commission chairman Mon Liboro, malinaw ang guidelines ng IATF na ang mga datos na nakakalap sa QR code ay para lamang sa contact tracing.

Kailangan din aniyang nakasaad ito sa terms and condition ng mga establisyemento at mababasa dapat ng publiko.

Paliwanag ni Liboro, ang datos na nakukulekta sa QR Code ay hindi pwedeng ire-purpose at hindi pwedeng itago “for future use”.

Ang mda datos na nakukulekta aniya sa QR Codes ay dapat burahin after 30 days

Sinabi ni Liboro na kung gagamitin sa ibang purpose, dapat may malinaw at balidong dahilan at dapat alam ng indibidwal na may-ari ng datos.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, contact tracing, IATF, Inquirer News, Philippine News, privacy, QR Codes, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, contact tracing, IATF, Inquirer News, Philippine News, privacy, QR Codes, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.