Global cases ng COVID-19 mahigit 65.5 million na

Umabot sa mahigit 663,000 pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes, (Dec. 4) ay 65,501,601 na ang global cases ng COVID-19.

Sa magdamag, mahigit 213,000 ang bagong kaso na naitala sa US.

Habang mahigit 31,000 naman ang bagong kaso sa India at mahigit 50,000 ang bagong kaso sa Brazil.

Nakapagtala naman ang Russia ng dagdag na 28,000 na mga bagong kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 14,530,497
India – 9,564,565
Brazil – 6,487,516
Russia – 2,375,546
France – 2,257,331
Spain – 1,693,591
UK – 1,674,134
Italy – 1,664,829
Argentina – 1,447,732
Colombia – 1,343,322

 

 

 

Read more...