Bagong curfew hours sa Caloocan City iiral simula ngayong araw, Dec. 4

Ipatutupad na simula ngayong araw, December 4 ang bagong oras ng curfew sa Caloocan City.

Batay sa Executive Order na nilagdaan ni Caloocan Mayor Oscar Malapitan, ang bagong curfew hours sa lungsod ay mula alas-12 ng hating-gabi hanggang alas-3 ng madaling araw.

Layunin nitong magbigay-daan sa nalalapit na pagsisimula ng tradisyunal na Simbang Gabi ngayong Kapaskuhan.

Mahigpit naman ang tagubilin ng alkalde sa mga simbahan at mga dadalo sa Simbang Gabi na sundin ang IAFT guidelines at ang health ang safety protocols upang makaiwas sa COVID-19.

Patuloy naman ang paalala na bawal pa rin lumabas ang mga edad 17 pababa at 65 taong-gulang pataas na hindi kabilang sa essential workforce.

 

 

 

Read more...