30 percent capacity sa workshops, seminars sa GCQ areas pinayagan na ng IATF
Pinayagan na ng Inter Agency Task Force ang pagdaraos ng workshops, trainings, seminars at kahalintulad na aktibidad sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine.
Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat ay hanggang 30 percent capacity lamang ng venue ang papayagang attendees.
Sinabi ni Roque na papayagan na din ang pagdaraos ng iba pang pagtitipon gaya ng congresses, conferences, board meetings, colloquia, conclaves, symposia, at consumer trade shows.
“The above-mentioned events must be held in venues in areas under General Community Quarantine (GCQ) and will be permitted up to 30% venue capacity,” ani Roque.
Ang mga aktibidad ay maaring gawin sa restaurants, restaurants attached to hotels, ballrooms at function halls ng mga hotel, iba pang venues sa loob hotel premises at mall atria.
Inatasan ng IATF ang Department of Tourism at Department of Trade and Industry na maglabas ng karampatang alituntunin hinggil dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.