Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 213,000 pa
By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2020 - 09:56 AM
Umabot na sa lagpas 14.5 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.
Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 213,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.
Dahil dito, umabot na sa 14,530,497 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mahigit 8.5 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 5.6 million pang active cases.
Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 2,800 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 282,741 na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.