Sec. Eduardo Año inatasan ang PNP na dakpin ang mga nasa likod ng pagpatay kay Los Baños Mayor Caesar Perez

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2020 - 09:06 AM

Inatasan ni Interior Secretary Eduardo Año ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Mayor Caesar Perez ng Los Baños, Laguna.

Si Perez ay binaril sa loob mismo ng munisipyo sa Barangay Baybayin Huwebes (Dec. 3) ng gabi.

Inatasan ni Año ang PNP na agad tukuyin kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

Naisugod pa sa HealthServ Medical Center ang alkalde pero pumanaw din ito.

Tiniyak naman ni PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana na nagsimula na sila sa pangangalap ng imbestigasyon at pagtukoy ng mga nasa likod ng pamamaril.

Sa ngayon sinabi ni Usa na wala pang persons of interest sa kaso.

 

 

 

 

TAGS: ambush, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, laguna, Los Banos, Mayor Caesar Perez, Philippine News, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, laguna, Los Banos, Mayor Caesar Perez, Philippine News, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.