Mga lumang PA system sa lahat ng mga istasyon ng MRT-3, napalitan na

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2020 - 08:30 AM

Napalitan na ang mga lumang public address (PA) system sa lahat ng mga istasyon ng MRT-3, na ginagamit sa pagbibigay ng mga anunsyo publiko o bulletin sa mga nasa istasyon ng tren.

Ang mga bagong PA system ay mayroong USB input at maaaring makapagbigay ng anunsyo sa magkahiwalay na bounds (northbound o southbound) sa loob ng mga istasyon.

Nailagay ang bagong PA system sa lahat ng mga istasyon ng rail line sa mga sumusunod na petsa:

– November 14-15: Shaw Boulevard station, Boni Avenue station, Guadalupe station, at Buendia station
– November 16-18: Ayala station, Magallanes station, at Taft Avenue station
– November 28-30: North Avenue station, Quezon Avenue station, GMA-Kamuning station, Cubao station, Santolan-Annapolis station, at Ortigas station

Matatandaang nakapag-install na rin ng mga bagong signal lights, platform monitors, at CCTV cameras ang MRT-3 sa mga istasyon nito, habang nakapag-upgrade na rin ng mga equipment at facilities sa depot.

Ang pag-upgrade ng mga kagamitan ng MRT-3 ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon na isinasagawa sa buong linya sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo.

 

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, dotr, Inquirer News, MRT 3, PA system, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, dotr, Inquirer News, MRT 3, PA system, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.