Former US Presidents Obama, Bush at Clinton payag ipa-cover sa media ang pagbabakuna nila laban sa COVID-19
Nakahanda sina dating US Presidents Barack Obama, George W. Bush at Bill Clinton na pakuhanan ng video ang pagpapabakuna nila laban sa COVID-19.
Sa isang panayam, sinabi ni Omaba na ito ay para ipakita sa publiko na siya ay nagtitiwala sa siyensya.
Sinabi din ng chief of staff ni Bush na handa ang dating presidente na gawin on cam ang pagpapaturok niya ng bakuna sa sandaling maaprubahan na ito ng US FDA.
Ayon naman kay Angel Urena, tagapagsalita ni Clinton, sa sandaling maging available ang bakuna ay magpapaturok nito ang dating presidente.
Gagawin aniya ito ni Clinton sa public setting bilang paghimok na din sa lahat ng mamamayan ng Amerika na magpabakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.