Babaeng call center agent patay sa pamamaril sa beach resort sa Cebu

Nasawi ang isang 21 anyos na call center agent matapos barilin sa labas ng isang beach resort sa bayan ng Liloan sa Cebu.

Ayon sa Liloan Police Station, ang biktima ay nakilalang si Kaysyh Billones Dumagat, na residente ng Barangay Pajac, Lapu-Lapu City.

Sinabi ni Police Master Sergeant Arni Goc-ong, kasama ni Dumagat ang kaniyang mga kaibigan nang magtungo sa resort Huwebes (Dec. 3) ng gabi.

Lumabas muna ang biktima sa resort dahil may tumawag sa kaniya sa cellphone.

Ayon sa mga testigo, dalawang lalaki ang nakita nilang lumapit sa biktima at saka ito binaril..

Tumakas ang mga suspek sakay ng motorisklo.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang.

 

 

 

Read more...