Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian nagalit sa pamunuan ng NLEX; Problema sa RFID sensors ayaw ayusin
Nag-rant sa social media si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian tungkol sa problema sa RFID sensors sa NLEX.
Ayon kay Gatchalian, dahil sa palpak na sensors ng RFID sa NLEX, nagdudulot ito ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic.
Nainis pa si Gatchalian kay NLEX chief operating officer Raul Ignacio nang sabihin nitong wala namang problema sa RFID sa NLEX at tanging ang alkalde lamang ang nagrereklamo.
“Imagine for one of your bosses to tell me wala naman problema at ako lang ang nagcocomplain. Mr. Raul Ignacio of NLEX wake up and look at the build up of cars in your interchanges leading into the City,” kwento ni Gatchalian.
Sinabi ni Gatchalian na baka si Ignacio na lang ang hindi nakakakita na malaki na ang problema.
“For you to tell me that I’m the only one complaining goes to show the company attitude towards this problem that I have bringing up to your attention for the past 7 years na,” dagdag ng alkalde.
Ilang taon na aniya ang nagdaan pero hindi inayos ng NLEX ang problema.
Ngayong ipatutupad na ang cashless transactions ay lalo tumindi ang problema.
“Obviously, the 1st step in fixing this problem is to admit there is a problem. NLEX we deserve better! How can we start solving the problem when to begin with your boss refuses to even admit na may problem,” sinabi pa ni Gatchalian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.